Roach vs Atlas
PRESS ROW - Abac Cordero (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2016 - 9:00am

Hindi bilib si coach Freddie Roach kay Teddy Atlas, ang bagong trainer ni Timothy Bradley.

Marami kasi ang nagsabi na mas maganda ang ikinilos ni Bradley nang labanan niya si Brandon Rios nung Nobyembre.

Nanalo si Bradley. Nag-retire si Rios.

Agad-agad ay umugong ang posibilidad na maglaban ulit si Manny Pacquiao at Bradley at mas maganda na raw ang kalalabasan ng laban kesa nung unang dalawa.

Kaya eto at naikasa ang laban sa April 9 sa Las Vegas.

Bukod sa last fight na raw ni Pacquiao ito, bentahe rin ang pagbabago ni Bradley.

Kaya nga lang, hindi ito binibili ni coach Freddie.

Wala raw pinagbago si Bradley at kaya lang nito nakuha ang ikatlong laban kay Pacquiao ay dahil siya ang natipuhan ng mga may hawak ng pay-per-view.

Paulit-ulit na sinabi ni coach Freddie na ang Bradley noon ay ang Bradley ngayon.

Kaya raw maganda ang pinakita ni Bradley laban kay Rios, sabi ni coach Freddie, ay dahil talagang pa-retire na ang boxer na dati na rin binugbog ni Pacquiao.

Mataba raw si Rios at wala sa kundisyon nang labanan si Bradley.

Sabi ni coach Freddie, bibilib lang daw siya kay Bradley at maniniwala sa kakayahan ni Atlas bilang trainer kung maganda ang ipapakita nito sa April 9.

Kumpiyansa si coach Freddie na mananalo ulit si Pacquiao.

Style ni Roach na magpakita ng angas habang papalapit ang laban.

Natural lang.

Sa kabilang dako, tahimik lang si Atlas. Focus sila kay Pacquiao.

Si Pacquiao raw ang kalaban.

Hindi si coach Freddie.

ANG BRADLEY BRANDON RIOS COACH FREDDIE FREDDIE ROACH KAYA LAS VEGAS MANNY PACQUIAO PACQUIAO SI PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with