2015 Qatar Masters Open So may misyon vs Norwegian GM
(Pilipino Star Ngayon) - December 26, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Target ni Grandmaster Wesley So na muling umangat sa unang puwesto sa pakikipagtuos nito laban kay GM Magnus Carlsen ng Norway sa sixth round ng 2015 Qatar Masters Open na ginaganap sa Aspire Zone sa Doha, Qatar.

Matapos ang fifth round, hawak ni Carlsen ang solong liderato tangan ang 4.5 puntos habang na­katali sa ikalawang puwesto si So kasama ang pito pang manlalaro taglay ang tig-apat na puntos.

Nasa No. 2 spot din sina GM Sergey Karjakin ng Russia, GM Vladimir Kramnik ng Russia, GM Shakhriyar Mamedyarov ng Azerbaijan, GM Dariusz Swiercz ng Poland at GM Yu Yangyi ng China.

Nagpatupad ng isang araw na pahinga ang mga organizers upang bigyang-daan ang pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Nakatakda ring mag­harap sa sixth round sina Kramnik at Mamedyarov, Giri at GM Surya Shekhar Ganguly ng India, Karjakin at Swiercz at sina Li at Yu.

Ang iba pang interesanteng bakbakan ay sa pagitan nina GM Vladimir Fedoseev ng Russia at GM P Harikrishna ng India, GM Dmitry Jakovenko ng Russia at GM Viktor Bologan ng Moldova, GM Nguyen Ngoc Truong Son ng Vietnam at GM Nikita Vitiugov ng Russia, GM Radoslaw Wojtaszek ng Poland at GM Sanan Sjugirov ng Russia, at GM Mohammed Al-Sayed ng Qatar at GM Ruslan Ponomariov ng Ukraine.

ACIRC ANG ASPIRE ZONE DARIUSZ SWIERCZ DMITRY JAKOVENKO GRANDMASTER WESLEY SO MAGNUS CARLSEN MOHAMMED AL-SAYED NASA NO NGUYEN NGOC TRUONG SON NIKITA VITIUGOV
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with