FEU Tamaraws sa PSA Forum

(Pilipino Star Ngayon) - December 7, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Dadalaw ang bagong UAAP champion na Far Eas­tern University at si dating world champion Ana ‘The Hur­ricane’ Julaton sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong umaga sa Shakey’s Malate.

Makakasama ni FEU athletic director Mark Molina ang ibang players at miyembro ng coaching staff ng Ta­maraws sa public sports program na isinasaere sa DZSR Sports Radio 918 para ikuwento ang kanilang panalo sa University of Sto. Tomas sa katatapos na Season 78 men’s basketball championship series.

Tatalakayin naman ni Julaton kasama ang kanyang manager na si Angelo Reyes ang pagsabak sa ONE Championship event sa Mall of Asia Arena.

Ang iba pang magiging bisita sa sports forum na su­portado ng San Miguel Corp., Accel, Shakey’s at Phi­lippine Amusement and Gaming Corp. ay ang mga opisyales ng National Golf Association of the Philippines (NGAP) at si boxer Giemel Magramo na lalabanan si Jeny Buca para sa World Boxing Council international fly­weight title.

 

ACIRC AMUSEMENT AND GAMING CORP ANG ANGELO REYES FAR EAS GIEMEL MAGRAMO JENY BUCA JULATON MALL OF ASIA ARENA MARK MOLINA NATIONAL GOLF ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with