Biboy, Liza mainit ang simula sa BWC
(Pilipino Star Ngayon) - November 16, 2015 - 9:00am

LAS VEGAS, Nevada – Pumuwesto sina dating World FIQ champion Biboy Rivera at Liza del Rosario sa No. 6 at 12, ayon sa pagkakasunod, sa pagsisimula ng 51st Qubica AMF Bowling World Cup international finals sa Sam’s Town, Las Vegas dito.

Nagpagulong si Rivera ng isang eight-game series na 1764 pins para palakasin ang tsansang umabante sa second round ng men’s competition.

Pinatibay din ni Del Rosario, ikinukunsidera bilang isa sa Asia’s top lady pintopplers, ang kanyang pag-asa sa susunod na yugto ng torneo.

Binanderahan ng 20-anyos na si Singapore’s Muhammad Jarish Goh ang pagbubukas ng torneo sa kan­yang 1855 para sa average na 231.88.

Nasa ikalawang puwesto naman si Francois Louw ng South Africa na nagpagulong ng 1846.

Tumapos si Louw sa No. 9 noong 2010 sa Toulon, France.

Pumangatlo si Ildemaro Ruiz Jr. ng Venezuela sa kanyang 1798.

Inangkin naman ni two-time champion Aumi Guerra ng Dominican Republic ang women’s lead nang magposte ng 1738 kasunod ang 1737 ni defending champion Clara Guerrero ng Colombia at si Geraldine Ng Su Yi (1714) ng Singapore.

AUMI GUERRA BIBOY RIVERA BOWLING WORLD CUP CLARA GUERRERO DEL ROSARIO DOMINICAN REPUBLIC FRANCOIS LOUW GERALDINE NG SU YI ILDEMARO RUIZ JR. LAS VEGAS MUHAMMAD JARISH GOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with