5th DELeague Cagefest: Hobe Bihon nagparamdan agad
(Pilipino Star Ngayon) - October 26, 2015 - 10:00am

Laro Ngayon (Marikina Sports Center)

7 p.m. Macway Travel vs PNP

8:30p.m.-Sta. Lucia Land Inc. vs PCU

MANILA, Philippines – Nagpahiwatig agad ng kahandaan na muling mag-kampeon ang Hobe Bihon-Cars Unlimited nang tambakan nito ang Mindanao Agilas, 98-66, sa pagbubukas ng 5th DELeague Basketball Tournament nitong Linggo sa Marikina Sports Center, Marikina City.

Tinalo rin ng Macway Travel and Austen Morris Associates, 83-79, sa Group B sa isa pang laro.

Si Rodrigue Ebondo ay mayroong 16 puntos, pitong rebounds, apat na assists at tig-isang steal at blockshot para pangunahan ang Hobe Bihon-Cars Unlimited na kampeon sa ligang itinataguyod ni Marikina Mayor Del De Guzman noong 2012 at 2013.

Iniwan agad ng Hobe ng 19 puntos ang Agilas sa unang yugto, 34-15 para sa magarang panalo.

Bago ito ay nagdaos ng opening ceremony na kinatampukan ng tagisan sa Best Muse at napanalunan ito ni Kresna Galindez.

BASKETBALL TOURNAMENT BEST MUSE GROUP B HOBE BIHON-CARS UNLIMITED KRESNA GALINDEZ LARO NGAYON LUCIA LAND INC MACWAY TRAVEL MACWAY TRAVEL AND AUSTEN MORRIS ASSOCIATES MARIKINA CITY MARIKINA SPORTS CENTER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with