Marcial susuntok sa quarterfinals

(Pilipino Star Ngayon) - October 10, 2015 - 10:00am

DOHA, Qatar — Sa paghaharap ng dalawang may malalakas na suntok, mas nanaig si Filipino welterweight Eumir Felix Marcial laban kay Youba Sissokho ng Spain sa pamamagitan ng split decision sa huling araw ng preliminaries ng 2015 AIBA World Championships dito sa Ali Bin Hamad Al Attiya Stadium.

 Ibinigay ng dalawang judges mula sa Russia at Tur­key ang dalawang rounds sa 19-anyos na si Marcial, ha­bang pumanig naman ang Uzbekistan judge sa Senegal-born na si Sissokho.

 Nagpakawala si Marcial ng mga mabibigat na suntok para talunin ang 23-anyos na Spaniard.

“Puro kombinasyon ang binato ko at malalakas ang patama ko, akala ko nga nakuha ko lahat ng round. Pero okay lang, ang importante nanalo tayo at buhay ang pa­ngarap natin na maka-Olympics,” sabi ng tubong Zam­boanga.

 Bubukasan ni light flyweight Rogen Ladon ang quarterfinal round sa pagsagupa kay Dawid Jagodzinski ng Poland, habang makakalaban naman ni Marcialsi World No. 1 Daniyar Yeleussinov ng Kazakhstan.

Tinalo ni Yeleussinov si Marcial sa finals ng nakaraang Asian Championships sa Bangkok, Thailand noong Setyembre.

Kailangan ng dalawang Filipino boxers na maipanalo ang kanilang dalawang laban para makamit ang tiket patungo sa 2016 Olympic Games sa Rio de Janeiro, Brazil.

Bumisita si boxing legend Manny Pacquiao kamakalawa at nangako kina Ladon at Marcial na magbibigay ng P500,000 bonus sakaling maiuwi nila ang gold medal.

ACIRC ALI BIN HAMAD AL ATTIYA STADIUM ANG ASIAN CHAMPIONSHIPS DANIYAR YELEUSSINOV DAWID JAGODZINSKI EUMIR FELIX MARCIAL MANNY PACQUIAO MARCIAL MARCIALSI WORLD NO OLYMPIC GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with