Eagles, Bulldogs pakay ang semis sa Spikers’ Turf

MANILA, Philippines – Itataya ng Ateneo at NU ang ma­linis na karta sa mga determinadong ka­tunggali sa pagpapatuloy ng Spikers’ Turf Collegiate Conference quarterfinals ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Kalaban ng Eagles ang Emilio Aguinaldo College Generals sa unang laro sa ganap na ala-1 ng hapon habang ang Bulldogs ay makakalaban ang St. Benilde Blazers alas-5.

Sa 4-0 karta, kailangan na lamang ng Ateneo at NU na manalo sa larong ito para kunin ang puwesto sa semifinals.

Galing ang UAAP cham­pion Ateneo sa panalo laban sa FEU Tamaraws habang ang NU ay nagwagi sa straight sets laban sa UP Maroons.

Tiyak na hindi magiging madaling laro ito dahil sa kahalagahan ng makukuhang panalo ng Generals at Blazers.

Ang NCAA champion Generals ay natalo sa Bla­zes noong Lunes at tiyak na nais nilang bumangon para tumibay ang paghahabol ng puwesto sa semis sa ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng  PLDT Home Ultera. (AT)

Show comments