PLDT, Cagayan agawan sa No. 2
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - October 26, 2014 - 12:00am

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

2 p.m. FEU vs RTU

4 p.m.  Cagayan vs PLDT

 

MANILA, Philippines - Mag-uunahan ang Cagayan Valley at PLDT Home Telpad sa pagkapit sa mahalagang ikalawang puwesto sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League Season 11 Third Confe­rence nga­yong hapon sa The Arena sa San Juan City.

Ang dalawa ay magtutuos sa ikalawang laro dakong alas-4 ng hapon at ang papalarin ay maiuusad ang isang paa patungo sa Finals sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s bukod sa ayuda ng Accel at Mikasa.

Pasok na sa championship round ang Army Lady Troopers sa 5-0 baraha habang magkatabla ang Lady Rising Suns at Turbo Boosters sa ikalawang puwesto sa 2-2 baraha.

Unang magkikita ang FEU Tamaraws at Rizal Technological University Blue Thunders sa men’s division sa alas-2 ng hapon.

Naunsiyami ang balak ng Lady Rising Suns na pigilan ang pananalasa ng Lady  Troopers nang natalo sa limang sets, 22-25, 24-26, 28-26, 25-23, 13-15, noong Huwebes.

Nakitaan ng bangis ang mga Thai imports ng Cagayan na sina Saengmuang Patcharee at Am­porn Hyapha matapos ang tig-22 puntos at ang dalawa ang paghuhugutan ng lakas ng koponan para palakasin ang planong hamunin ang Army sa kampeonato.

Umani rin ang Cagayan ng 25-17, 25-17, 27-25, panalo sa unang pagkikita laban sa Turbo Boosters.

Sasandalan ng PLDT ang 25-20, 25-15, 22-25, 16-25, 17-15, panalo sa Meralco Power Spikers para maitaas ang morale sa mahalagang labanang ito. (ATan)

 

ARMY LADY TROOPERS CAGAYAN VALLEY HOME TELPAD LADY RISING SUNS LARO NGAYON MERALCO POWER SPIKERS RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY BLUE THUNDERS SAN JUAN CITY TURBO BOOSTERS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with