Cavs, Wolves nagkasundo sa Love-Wiggins deal

MANILA, Philippines - Nagtulong sina LeBron James at Kevin Love para sa pagsikwat sa dalawang Olympic gold medals.

Ngayon magkasama na sila para wakasan ang 50-year championship drought ng Cleveland Cavaliers.

Mula sa Minnesota ay magtutungo si Love sa Cle­ve­land matapos magka­sundo ang dalawang koponan para sa isang trade na magdadala sa All-Star forward sa Cavaliers kapalit nina Andrew Wiggins, Anthony Bennett at isang first-round draft pick.

Wala pang official agree­ment na mangyayari sa pagitan ng Cavaliers at Timberwolves hanggang  Agosto 23 kung saan maaari nang i-trade si Wiggins, ang No. 1 overall draft pick.

Nauna nang nakipag-usap ang Timberwolves sa Philadelphia 76ers tungkol sa paghugot kay forward Thaddeus Young para punan ang maiiwang posis­yon ni Love.

Ang kasunduan ng Cavaliers at Timberwolves ang magbubuo kina Love, James at All-Star point guard Kyrie Irving para sa isang bagong ‘’Big 3’’ sa Cleveland.

Pagsisikapan ng ‘Big Three’ na maibigay sa Cleveland ang kauna-una­hang sports crown nito sapul noong 1964 nang magkampeon ang Browns sa NFL.

Show comments