^

PSN Palaro

James babalikan ang Cleveland

Pilipino Star Ngayon

CLEVELAND-- Walang nang­yaring eye contact para pagsimulan ng rekonsi­lasyon.

Naging matindi ang away ukol sa paghihiwalay nina LeBron James at Ca­valiers owner Dan Gilbert.

Ngunit ngayon ay iki­nu­kunsidera ni James na bumalik sa koponang ina­ban­dona niya apat na taon na ang nakararaan.

Minsang kinilala bilang basketball partners, halos hindi matiis nina James at Gil­bert ang isa’t isa na ma­g­ti­nginan sa mga laro ng Miami Heat sa Cleveland sa nakalipas na apat na taon.

Maaaring nahilom na ng panahon ang naiwang sugat sa pagitan ng dalawa at halos napatawad na rin ng lungsod ang ginawa ni James.

Umaasa ang Cleveland, wala pang nakakamit na major sports championship sa halos 50 taon, para sa isang reunion.

Noong Linggo ay dinumog ng Cavs fans ang social media para sundan ang isa sa mga private jets ni Gilbert na nagtungo sa Fort Lauderdale, Florida.

Walang nakaalam kung nasa loob ng eroplano si Gilbert at kung may koneksyon ang kanyang biyahe sa NBA.

Sa inaasahang pagde­desisyon ni James ay nagkaroon ng pag-asa ang Cleveland na magbabalik sa kanial si James.

Sa Martes ay ang four-year anniversary ng paha­yag ni James na “taking my talents to South Beach.”

Nakatakdang makipag-usap si James kay Heat president Pat Riley na nahikayat ang four-time league MVP na lumipat sa Miami noong 2010 ngunit maa­aring mawalan na ng panahon para makumbinsi si James na manatili.

vuukle comment

DAN GILBERT

FORT LAUDERDALE

JAMES

MIAMI HEAT

NOONG LINGGO

PAT RILEY

SA MARTES

SHY

SOUTH BEACH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with