Pacquiao pumirma sa Top Rank hanggang 2016

Dalawang taon pa ang kontrata ni Manny Pacquiao sa Top Rank ni Bob Arum.

MANILA, Philippines – Muling pumirma ang eight-division champion na si Manny Pacquiao sa ilalim ng Top Rank promotions ni Bob Arum.

Lumagda si Pacquiao ngayong Miyerkules sa kontratang tatagal ng dalawa pang taon.

“We are pleased that together with our partners at HBO we will continue presenting to the public fights of the great Manny Pacquiao through the end of 2016," pahayag ni Arum.

Kaugnay na balita: Arum handang ikasa ang Pacquio-Marquez 5

Nakasaad sa kontrata na siguradong may dalawang laban kada taon si Pacquiao.

Naunang sinabi ni Arum na handa niyang ikasa ang panlimang bakbakan sa pagitan ni Pacquiao at Juan Manuel Marquez sa Nobyembre sa Macau.

"The partnership among Manny, Top Rank, MP Promotions and HBO has been a wonderful one for all parties and for the public and it's great that this will continue for the years to come," dagdag ni Arum.

Sa pagpirma ni Pacquiao sa Top Rank ay lumabo ang tsansang magkaharap sila ng wala pang talong si Floyd Mayweather Jr. na hiniling sa Pinoy na iwanan ang promotion ni Arum upang matuloy ang kanilang laban.

Show comments