Patriots wagi sa Cavaliers

Di makalusot si Kenneth Duremdes ng Senate sa depensa ni Jeffrey Tyrone Sanders ng MMDA sa UNTV Cup.  

MANILA, Philippines -  Tinalo ng Malacañang ang AFP, 83-78, para solohin ang ikatlong puwesto sa UNTV Cup Season 2 noong Linggo sa Ynares Sports Arena sa Pasig City .

Bumanat ng 20 puntos si Joseph Besa bukod sa walong rebounds para pangunahan ang Patriots na naunang naiwanan ng Cavaliers sa halftime, 33-42.

Ito ang ikalimang panalo laban sa da­lawang talo ng Patriots at lumakas ang tsansa na mapalaban sa semis.

Bumaba ang Cavaliers sa 4-3 karta at nabigyan ng buhay pa ang MMDA Black Wolves para sa puwesto sa Final Four.

Sina Peter John Villanueva at Jeff San­ders ay naghatid ng 19 at 18 puntos bukod sa pinagsamang 13 steals para ibigay sa Black Wolves ang 87-71 tagumpay  laban sa Senate Defenders.

Walang hirap na inokupahan ng nagdedepensang kampeon Judiciary Magis ang ikalawang upuan sa semifinals nang kunin ang walkover panalo sa House Of Representatives Solons.

 

Show comments