^

PSN Palaro

Panahon na

AMBETHABOL - Beth Repizo Meraña - Pilipino Star Ngayon

Mahigit isang linggo bago ang laban ni Manny Pacquiao at Timothy Bradley, umuugong at umuusok na ang mga boxing experts kung sino ang magta­ta­gumpay sa dalawa.

Marami sa mga eksperto ang naniniwalang ito na ang katapusan ng career ni Pacquiao, mayroon din naman na nagsasabi na malaki ang posibilidad na  manalo pa ang Filipino boxing star.

Sabi ng ilang eksperto, kahit pa sinasabi ni Pac­quiao at ng kanyang kampo na maganda ang kon­disyon ni Manny, hindi pa rin sila naniniwalang ma­lulusutan nito si Bradley.  Bukod sa tumatanda na si Pacquiao, iba na ang pakiramdam nito kumpara sa mga panahon na siya ay gutom pa sa panalo.

May mga nagsasabi na wala na ang “drive” ni Pacquiao para lumaban pa. Sabi nga ay “going though the motions” na lamang ang Filipino boxer. 

Maaaring matagumpay at naging mahaba ang career ni Pacquiao, pero sa pagkakataong ito ay tila wala na ang “passion” ni Pacquiao sa laban.

May ilan na nagsasabi na masyadong maawain o compassionate si Pacquiao, pero ang pinaniniwalaan ko ay ang sabi ng mga boxing experts na malaki ang naging epekto ng pagkaka-knockout ni Pacquiao  nang lumaban ito kay Juan Manuel Marquez.

Sa panahong iyon ay nawala ang aura ni Pacquiao bilang “invincible” na boksingero. Ang nakita natin no­on ay isang boksingero na pagod na sa  60 na giyerang pinagdaanan. Natural lamang na apektado ang ka­ta­wan, isip at emosyon ni Pacquiao.

Sana ay mapasinungalingan lahat ni Pacquiao ang sinasabi ng mga eksperto, pero sabi nga, nakikita sa mga ikinikilos ni Pacquiao. Kung dati ay makikita ang agresibo sa mata ng people’s champ, ngayon ay parang pagod at pagka-umay na lamang ang na­ba­banaag natin dito.

Nguni’t naniniwala pa rin ako na may pagkakataon pang makabawi si Pacquiao.

Pero sana, manalo man o matalo, isipin sana ni Pacquiao na may mga pagkakataong dapat na ipa­hinga na ang katawan.

Ito ang panahong iyon.

BRADLEY

BUKOD

JUAN MANUEL MARQUEZ

PACQUIAO

SABI

SHY

TIMOTHY BRADLEY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with