Henry, Gasol binitbit ang Lakers sa panalo

LOS ANGELES--Isinalpak ni Xavier Henry ang 12 mula sa kanyang 21 puntos sa fourth quarter, habang tumapos si Pau Gasol ng 20 puntos, bukod pa ang 10 rebounds at tinalo ng Lakers ang Sacramento Kings, 100-86 noong Linggo sa NBA.

Si Steve Blake ay may 12 assists bukod sa siyam na puntos at limang rebounds para sa Lakers na inilista ang ikatlong sunod na panalo

Tumapos si Greivis Vasquez ng 20 puntos at nagdagdag si DeMarcus Cousins ng 17 puntos, walong rebounds at pitong assists para sa Kings.

Sa Oklahoma City, kumunekta ng 19 puntos si Kevin Durant at nag-ambag si Serge Ibaka ng 17 puntos at 11 rebounds at ibigay sa Thunder ang best-season ope­ning start sa kanilang bakuran sa pamamagitan ng 95-73 pananaig laban sa nangapang Utah Jazz.

Lumaro ang Thunder na may 9-3 record, na wala ang All-Star point guard na si Russell Westbrook, na ipinahinga sanhi ng operasyon sa kanyang kanang tuhod.

Nanguna sina Enes Kanter at Rudy Gobert sa Jazz (1-14), na natalo ng anim na sunod na laro, sa kanilang tig-10 puntos.

 Sa Los Angeles, kinuha ng Clippers ang kanilang ikapitong panalo sa huling siyam na laro sa 121-82 pagdurog sa Chicago Bulls.

Tumapos ng 21 puntos si Jared Dudley habang 16 puntos at 17 assists ang ibinigay ni Chris Paul at kinapitalisa ng Clippers ang pagkawala uli ni Derrick Rose na napunitan ng cartilage sa kanang tuhod  noong B iyernes sa laro laban sa Portland.

Si JJ Redick ay nagdagdag ng 19 puntos habang si Blake Griffin ay naghatid ng 15 puntos at 12 rebounds para sa nangungunang koponan sa Pacific Division.

May 22 puntos si Luol Deng para sa natalong ko­ponan.

Sa iba pang laro, ipinalasap ng Detroit Piston sa Brooklyn Nets ang kanilang ikalimang sunod na kabiguan sa pamamagitan ng 109-97 panalo.

 

Show comments