^

PSN Palaro

Mapua ginitla ang San Beda

AT - Pilipino Star Ngayon

Laro sa Huwebes

(The Arena, San Juan City)

4 p.m. Letran vs Perpetual Help (srs)      

6 p.m. Lyceum vs St. Benilde (srs)

 

 

MANILA, Philippines - Naudlot ang plano ng San Beda na mahawa­kan ang ‘twice-to-beat’ ad­vantage sa Final Four nang matalo sa kulelat na Mapua, 81-76, sa 89th NCAA men’s basketball ka­gabi sa The Arena sa San Juan City.

Isang 16-5 palitan ang gi­nawa ng Cardinals para tabunan ang 65-71 iskor at wakasan ang 13-sunod nilang pagkatalo.

Si Jessie Saitanan ay may 18 puntos at siya ang na­muno sa arangkada ng Ma­pua.

Nakatulong din ang mga free throws nina Jeson Ray Cantos, Joseph Eriobu at Kenneth Ighalo para sa ikalawang panalo ng Cardinals.

Ang unang tagumpay ng Mapua ay noong Hulyo 1 laban sa San Sebastian.

Si Mark Brana ay nag­hatid ng 14 puntos at 10 re­bounds para sa Cardinals na kumawala ng 28 pun­tos  sa huling 10 minuto para ma­balewala ang 11 puntos na kalamangan ng Red Lions matapos ang tatlong yugto, 64-53.

Si Arthur dela Cruz ay may 23 puntos at ang tres niya ang nagpatabla sa San Beda sa 74-74.

May isa pang tabla sa 76-76 bago nagtuwang si­na Saitanan at Carlos Isit para kunin ang 78-76.

Mapua 81 - Saitanan 18, Brana 14, Isit 11, Magsigay 9, Cantos 9, Eriobu 8, Ighalo 7, Estrella 5, Biteng 0, Gabo 0, Gonzales 0, Magtoto 0.

San Beda 76 - Dela Cruz 23, Dela Rosa 17, Adeogon 8, Amer 7, Koga 7, Abarcar 5, Ludivice 3, Villaruz 2, Abatayo 2, Pascual 2, A. Se­merad 0, D. Semerad 0, Mendoza 0, Sara 0.

Quarterscores: 13-24; 35-39; 53-64; 81-76.

 

CARLOS ISIT

DELA CRUZ

DELA ROSA

FINAL FOUR

MAPUA

SAN BEDA

SAN JUAN CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with