2 pang team ng Phl papalo sa World Series

CLARK FREEPORT ZONE, Philippines--Umabante na rin sa World Series ang Manila South at Sta. Cruz, Laguna nang dominahin ang mga nakalaban sa Big League at Senior League sa softball sa 2013 Asia Pacific and Middle East Tournament kahapon sa Clark Parade Grounds sa Clark Freeport Zone.

Kinumpleto ng Manila South na siyang nagdedepensang World champion sa 16-18 division nang kunin ang 13-1 regulation panalo sa Guam at mapanatili ang AsPac title sa pamamagitan ng 4-0 sweep.

Bukod sa Guam ay sumali rin ang Indonesia na hindi rin nakaporma sa Manila South.

Kinailangan naman ng Laguna na magpakatatag sa hamon ng Guam na yumukod sa dikitang 4-3 iskor para walisin ang tatlong bansa, double round elimination sa  14-16 division.

Ang Manila South at Laguna ay tutulak sa Sussex County, Delaware para sa World Series mula Agosto 4 hanggang 10.

Dalawa pang local teams ang palaban pa sa World Series at ito ay ang Iloilo Province at ILLAM sa Junior League softball at Senior League Baseball.

Una ng umabante ang Iloilo Province sa Little League Softball nang wa­­lisin ang Indonesia sa kanilang best of five series.

 

Show comments