ILLAM lusot sa China, diretso sa semis

CLARK FREEPORT ZONE, Philippines--Umabante ang Interna­tional Little League Association of Manila (ILLAM) sa semifinals sa Senior League Baseball nang pataubin ang China, 16-4, sa Pool A kahapon sa Clark Parade Grounds sa Clark Freeport Zone kahapon.

May 11 hits ang ILLAM batters para makumpleto ang abbreviated win at kunin ang 3-0 sweep sa elimination round.

Si Diego Lozano ang namuno sa mga mamamalo ng ILLAM sa itinalang grandslam homerun para maikasa ang pagkikita sa New Zealand na number two sa Pool B sa 2-1 baraha.

Ang laro ay ngayong alas-8 ng umaga para sa puwesto sa Finals.

Nanalo rin ang Tanauan City sa India, 7-0, para itabla ang karta sa 2-2 sa Junior League Baseball.

Abante na ng 27 runs ang Tanauan nang isuko ng India ang laro para sa mas disenteng iskor.

Nasa ikaapat na puwesto ang Tanauan kasunod ng Chinese Taipei (3-0), Saipan (3-2 at Hong Kong (3-2).

Ang mangungunang dalawang koponan ang maglalaban sa titulo ng JLB.

 

Show comments