^

PSN Palaro

P200K binayaran ng SM MOA sa Meralco

Ni RC - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Halos P200,000 ang halagang ipinalit kahapon ng management ng SM Mall of Asia Arena kaugnay sa ninakaw na gamit ng coaching staff ng Meralco Bolts noong nakaraang Miyerkules habang nasa kainitan ng pakikipaglaban sa Globalport sa 2012-2013 PBA Philippine Cup sa Pasay City.

“It includes three Ipads worth P30,000 each, tapos ‘yung mga cell phones, cash pa na nawala sa tatlong bags ng coaching staff,” wika ni Rose Montreal ng PBA Properties.

Ikinadismaya ng Bolts ang nangyaring nakawan sa kanilang dugout kasabay ng kanilang 104-105 pagyukod sa Batang Pier.

Noong Linggo ay nagbalik ang Meralco sa SM MOA Arena kung saan naman nila tinalo ang Air21, 85-72.

“We talked to the management that all off court scenarios will be taken cared off,” wika ni head coach Ryan Gregorio na humingi ng security personnel sa PLDT franchise. “We brought security from Meralco. It’s a relief.”

Maliban kay Gregorio, ang iba pang nanakawan ay ang mga assistant coaches na sina Ronnie Magsanoc at Xavier Nunag.

Sinasabing nagdaan sa likod ng dugout ng Bolts ang magnanakaw at kaagad hinakot ang tatlong bag.

BATANG PIER

MALL OF ASIA ARENA

MERALCO

MERALCO BOLTS

NOONG LINGGO

PASAY CITY

PHILIPPINE CUP

RONNIE MAGSANOC

ROSE MONTREAL

RYAN GREGORIO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with