Tepok si misis(Huling bahagi)

IKAW AT ANG BATAS - Atty. Jose C. Sison (Pilipino Star Ngayon) - March 31, 2019 - 12:00am

TINANONG ng mga pulis si Robert tungkol sa nangyaring pamamaril. Hindi niya inamin sa mga pulis kung sino ang bumaril sa kanyang asawa dahil ang nasa utak niya ay siya ang maghihiganti sa kriminal. Pero inamin ni Robert kay Doti, sa kanyang biyenang babae at sa kapitan ng barangay na si Gaspar ang may sala. Isang buwan matapos ang pamamaril ay kinasuhan si Gaspar ng murder para sa pagpatay niya kay Amor at frustrated murder naman sa tangkang pagpatay niya kay Robert. Ang mga testigo ng prosekusyon ay sina Robert, Doti, at ang doktor na sumuri sa lalaki.

Itinanggi ni Gaspar ang akusasyon sa kanya at sinabing noong gabing nangyari ang krimen ay nasa kampo siya ng mga militar at nagtatrabaho bilang taga-luto. Anim na sundalo pa raw ang sumama sa kanya at nagkainuman sila hanggang alas dos ng madaling araw. Sinang-ayunan ng kanyang bayaw na si Tedy at ng isang sundalo roon na nagrekomenda sa kanya bilang cook ang lahat ng kanyang sinabi.

Upang kontrahin ang kanyang mga ebidensiya ay ginawang testigo ng prosekusyon ang kapitan ng barangay at si Robert para basagin ang alibi ni Gaspar tungkol sa distansiya ng pinangyarihan ng krimen at ng kampo na may walong kilometro lang ang layo kaya walang isang oras ay naaabot niya ang dalawang lugar na naglalakad lang kaya hindi imposibleng wala siya roon.

Pinaniwalaan ng korte ang bersiyon ng prosekusyon tung-kol sa pamamaril at napatunayan na nagkasala si Gaspar kaya hinatulan para sa krimen ng murder at frustrated murder.

Kinatigan ng Supreme Court ang hatol ng RTC at napatunayan na nagkasala si Gaspar. Ayon sa SC ay malinaw  at kapani-paniwala ang naging testimonya ni Robert sa korte. Sinabi ni Robert na si Gaspar lang ang nakita niyang nakatayo sa tabi ng nakabulagtang katawan ng asawa niyang si Amor at narinig niya ang putok ng baril mula sa kinatatayuan nito. Mula rin sa liwanag ng buwan at ng apoy ng sulo ay nakilala ni Robert si Gaspar  dahil nga 20 taon na nilang kapitbahay ang lalaki. May hawak si Gaspar na baril at may dalawang pulgada lang ang layo nito nang barilin si Amor. Ang parehong baril din ang ginamit niya sa pagbaril kay Robert. Kahit walang ibang eyewitness sa pagpatay ay mapagtatagni-tagni ang mga sirkumstansiya para sa konklusyon na si Gaspar nga ang bumaril kina Amor at Robert.

Iyon nga lang ay hindi raw pataksil na ginawa ang pagpatay kay Amor at pagbaril kay Robert. May kataksilan o treachery kung (1) sinadya at pinagplanuhan ang paraan kung paano gagawin ang krimen, (2) walang ibinigay na pagkakataon sa biktima na ipagtanggol ang sarili o makapanlaban man lang. Sa kasong ito ay hindi naman nasaksihan ni Robert kung paano pinatay ang kanyang asawa. Ang nakita lang niya paglingon nang marinig ang putok ng baril ay ang nakahandusay na bangkay ng babae. Kulang ang ebidensiya para patunayan na hindi naipagtanggol ni Amor ang sarili o nakapanlaban man lang o kung anong paraan ang ginawa para siya patayin.

Tungkol naman sa ginawang pagbaril kay Robert, kahit pa nga parehong baril ang ginamit at napatunayan ang hangarin ni Gaspar na patayin ang mag-asawa ay hindi naman nagawa ng lalaki ang lahat ng kailangan para mapatay niya ang biktima. Kaya attempted homicide at hindi murder ang dapat na krimen. Kaya ang parusa ni Gaspar ay mula 8 taon, 1 araw hanggang 14 na taon, 8 buwan at 1 araw para sa pagpatay kay Amor pati pinagbabayad siya ng danyos at indemnity. Sa tangkang pagpatay naman kay Robert ay 2 buwan, 1 araw hanggang 2 taon, 4 buwan at 1 araw ang hatol pati pinagbabayad din ng danyos at indemnity (People vs. Albacin, G.R. 133913, September 13, 2000).

JOSE C. SISON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with