Hello Sen. Bam Aquino!
BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - February 14, 2018 - 12:00am

IPINAPAALALA ko lang ang aking panawagan kay Sena­tor Paolo Benigno “Bam” Aquino IV, may imbitas­yon ako sa’yo na mag-guest sa programang Ben Tulfo Unfiltered. Marami-rami talaga ang mga isyung dapat nating pag-usapan at himaying maigi.

Tutal sunud-sunod na ang pagkokomento mo sa media, gusto kitang bigyan ng matinding media exposure. Thirty minutes, no-holds-barred at unfiltered. Mas maihahayag mo ang iyong saloobin sa publiko ng walang pumipigil o anumang bawal.

Inilaan ko na nga pala para sa iyo ang linggong ito sa aking programa. Umoo na ang iyong opisina subalit wala pang pinal na araw at oras.

Okay lang kahit tayong dalawa ang magtuos ngayong Valentines, dahil ‘yung kabagang mong si Sen. Trillanes ay mukhang nag-a-alinlangan pang harapin ako. 

Last week lang, mainit ang mga komento mo sa lib­reng tuition fee ng mga aktibistang estudyante. Naalala na naman kita dahil sa panibago mong mga birada.

Gusto kong suriin ang laman ng iyong isipan. Nag-iisip nga ba muna kayo ng mga kasamahan mo bago magsalita sa media?

Ilan sa inyo mga abugado’t galing sa matitinong eskwelahan, pero bakit mga sangkaterba kayong mga... ewan. Marami ang nagalit nang inayunan mo ang kamakailang survey na ignorante ang mga Pilipino.

Naisip mo ba bilang Pilipino na sa sangkaterbang isyu at kontrobersiyang kumakalat sa bansa, karamihan dito ay sadyang hindi na pinaglalaanan ng panahon ng iyong mga kababayan?

Ang dahilan, hindi naman kasi makakatulong ang mga isyung yun sa kanilang pang-araw-araw na buhay o sa pagpapaunlad ng kanyang kabuhayan.

Ito bang mga saltik na ‘to ay mula sa puso, sa nguso, o sa talampakan? Sige nga. Prove me wrong, Senator Aquino.

Sabihin mo sa akin, harap-harapan, na ‘di ka uto-uto’t pikit-mata at basta-bastang naniniwala sa kung anong mga survey. I challenge you!

‘Di talaga ako kumbinsido sa mga paliwanag at lohika mo. Kaya naman masigasig tumatawag ang mga staff ko sa opisina mo para alamin ang oras na ilalaan mo para sa aking programa.

 

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with