^

PSN Opinyon

Morality vs Legality

SEEN SCENE - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

MULING pinaalala ni Pres. Rodrigo Roa Duterte ang kanyang taimtim na pagnasa sa pagsasabatas ng capital pu­nishment o death penalty. Ang pag-angkin ng pamahalaan ng karapatang pumatay ay isa sa mga usapin na talagang nahihirapang magtagpo ang nag-uumpugang panig. Kasama sa kategoryang ito ang divorce, abortion, gambling, same sex marriages at assisted suicides.

Mahirap talaga makahanap ng common ground kapag moralidad na ang pinag-uusapan. Kahit gaano ipilit ng pama­halaan, mahirap isabatas ang moralidad dahil hindi lahat ay nagkakapareho ng paniniwala. Nandiyan ang mga kasa­bihang “hindi basta’t legal ay moral na rin” at “hindi komo immoral ay illegal na rin.”

Sa gusto natin at sa hindi, may mga akto na mali, kahit saan mang anggulo tingnan at saan ka mang lupalop ng mundo mapunta. Halimbawa ay ang pagnanakaw. Walang makakatutol na labag ito sa karaniwang pag-unawa ng lipu­nan ng kung ano ang tama o mali. Kahit magnakaw para mapakain ang kapamilyang namamatay na sa gutom ay bagay na hindi makakatakas sa parusa ng batas.

Mayroon ding mga inirereklamong gawain na hindi mali sa mata ng iba. May natatanging dahilan lamang kung bakit sa bandang atin ay mahirap itong tanggapin. Halimbawa ang pag-diborsyo ng mag-asawa na halos buong mundo na ang kumikilala. Hindi ito uubra sa Pilipinas dahil sa daang taon nating kasaysayan bilang mga Katoliko na nagpaha­laga sa kabanalan ng pag-iisang dibdib.

Ganito rin ang tug of war sa isyu ng death penalty. May mga nababahala sa pag-gawad sa pamahalaan ng isang kapangyarihan – ang bawiin ang buhay ng isang tao -- na wari nila’y Diyos lamang ang may karapatang gumamit. Nariyan din ang kontra na buo ang paniwala na ang parusa ng kamatayan ay matimbang na panakot sa mga may masamang hangarin.

Pinaubaya ng Saligang Batas sa ating mga mamba­batas ang pagpapasya. Bilang mga botante, makilahok sana tayo sa debate nang masiguro na ang ating interes ay mapangatawanang mabuti ng ating mga representante.

DEATH PENALTY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with