^

PSN Opinyon

Ano ang Caliphate?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ANG Caliphate ay isang kaharian ng mga Muslim kagaya ng marahas na ipinakikipagpatayan ng mga bumubuo sa ISIS o Islamic State of Iraq and Syria, isang radical na samahan ng mga Islamic extremists. Hindi lahat­ ng Muslim ay sang-ayon diyan dahil para sa kanila, salu­ngat ito sa diwa ng Islam na ang ibig sabihin ay daan ng kapayapaan. Totoo naman.

Alam na natin na ang ISIS ay naghahasik ng tero­rismo at pananakot para ang mga taong iba ang relihiyon ay tumalikod sa pananampalataya at sapilitang yuma­kap sa Islam. Yung mga nabibihag nilang naninindigan sa sariling pananampalataya ay walang awa nilang pinu­pugutan ng ulo!

Sa unang pagkakataon, sinabi ni Presidente Duterte na maging ang Abu Sayyaf ay  nagsusulong ng ganitong agresibong pagkilos para ang Pilipinas ay maging isang Muslim state at hindi lamang naghahangad ng awtonomiya sa Mindanao. Ayon sa Pangulo, puspusan ang paggalaw ng Abu Sayyaf para maabot ang adhikaing gawing Islamic state ang Pilipinas at buong Southeast Asia. Kaya inalerto ng Pangulo ang Hukbong Sandata­hang Lakas ng Pilipinas na huwag maglubay sa pagiging mapagmatyag laban sa mga pandarahas ng Abu Say­yaf. Pangingidnap at pamumugot ng ulo kasama na ang pambobomba ang ginagawa ng Abu Sayyaf kaugnay ng kanilang paghahasik ng terorismo sa bansa.

Kaya nakikita natin na bagaman at aminado si Duterte na may lahi siyang Moro, hindi niya kailanman kukunsintihin ang radikalismo at pundamentalismo ng mga teroristang nagsasabing sila’y Muslim.

Ang pangamba ko lang, wala tayong kategorikal na pahayag na mula sa mga Moro rebels gaya ng MILF at MNLF laban sa terorismo bagamat kung minsa’y sinasabi nilang katuwang sila ng pamahalaan sa pagsugpo nito. They have yet to make convincing acts to prove they are against terrorism.

Upang mabuo ang tunay na alyansa ng pamahalaan sa MILF at MNLF, tingin ko ay dapat bumuo ng isang kasunduang nilagdaan ng dugo (blood compact) tungo sa pagkakaisa sa pagpuksa ng terorismo, lalu na yung isinusulong ng mga bandidong Abu Sayyaf.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with