PANUORIN: Manila mayor Isko Moreno, binira si Cong. Joel Chua
MANILA, Philippine — Hinamon ni Manila Mayor Isko Moreno si Manila 3rd District Rep. Joel Chua nitong Huwebes, Agosto 21, na imbestigahan ang sarili niya matapos madiskubre ni Moreno na ang covered court na pagmamayari daw ng Maynila ay pinagiba nang walang permit para magpatayo umano ng proyekto ng kongresista sa Sta. Cruz, Maynila.
"'Pwede bang mag-demolish ng building ng gobyerno nang walang demolition permit? Pwede bang magconstruct vertically, horizontally, nang walang building permit?' He is a lawyer, and I challenge him directly. Sabihin niya ngayon kung ano ang tama at mali," sabi ni Isko.
Ayon sa Manila Public Information Office, apektado ng demolisyon ang Senior's Citizen's Office, extension ng Barangay Hall, at Day Care Center.
- Latest
















