Task force unit ng NBI, binuwag

‘Moro-Morong’ operasyon
MANILA, Philippines — Inihayag ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Judge Jaime Santiago na binuwag na ang buong unit ng Special Task Force (STF) at sinibak sa puwesto ang mga tauhan at hepe nito bunsod ng kuwestyunableng operasyon.
Nag-ugat ang pagbuwag hinggil sa iregular na pagsasagawa ng pag-aresto sa ilang Chinese nationals sa Bulacan na nauwi sa pagkakabasura ng isinampang reklamo kaugnay sa operasyon umano ng POGO dahil sa teknikalidad.
Nagkaroon ng reassignment sa 13 operatiba ng STF na ang ilan ay dinala sa regional offices. Hindi naman aniya, lahat ng tauhan ng STF ay sangkot sa nasabing operasyon.
Pinaiimbestigahan ni Santiago ang reklamo sa NBI-Internal Affairs Division (IAS) upang matukoy ang kanilang pagkukulang sa paghawak ng kaso, kabilang ang maling address na ginamit sa search warrant.
Nadamay ang hepe sa sibakan dahil umano sa command responsibility. Inaalam din ang reklamo laban sa mga operatiba sa pagkawala ng mga personal na gamit kabilang ang relos na pag-aari umano ng kanilang inaresto.
- Latest

















