Higit 10k motoristang pasaway, huli ng LTO

MANILA, Philippines — Nakahuli ang mga elemento ng Land Transportation Office (LTO) National Capital Region (NCR) ng may higit 10,000 na pasaway na motorista sa unang quarter ng taong 2024.

Ayon kay LTO NCR director Roque “Rox” Versoza, dulot nito ay nakalikom ang LTO NCR ng P26 milyong halaga ng revenue mula Enero 2024 hanggang Marso 2024.

Aniya, ang naturang pondo na nalikom ay mas mataas ng 204.91 percent sa kaparehong period ng 2023 .

Tumaas naman ang huli ng LTO NCR ng may 186.40 percent o nasa 10,488 na huli sa mga pasaway na motorista mula sa dating 3,662 apprehensions sa kaparehong period ng 2023.

Ilan sa mga nilabag ng mga pasaway na motorista ang “No registration-No Travel” policy o ginagamit ang mga sasakyan na hindi pa rehistrado sa LTO, defective accessories, devices, equipment, nagmamaneheo ng nakasuot ng tsinelas, walang dalang OR/CR ng sasakyan, reckless driving, nagmamaneho ng walang valid license, disregarding traffic signs at obstruction, ‘di pagsusuot ng seat belt, walang helmet ang rider ng motorsiklo at iba pa.

Show comments