Pekeng dentista timbog sa pangmomolestiya

Batay sa report ang suspek na itinago sa pangalang Cyan Cyan ay inaresto sa kanyang bahay sa Barangay Santulan, Malabon.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Arestado ng mga tauhan ng Philippine National Police Anti Cybercrime Group ang isang pekeng dentista na umano’y nang molestiya ng dalawang menor-de- edad at naglabas ng malalaswang video sa Malabon City.

Batay sa report ang suspek na itinago sa pangalang Cyan Cyan ay inaresto sa kanyang bahay sa Barangay Santulan, Malabon.

Ang pag-aresto sa suspek ay bunsod ng rekamo ng dalawang kabataang lalaki na umano’y inabuso ng suspek.

Inalok ng suspek ng dental braces ang mga biktima kapalit nang pakikipagtalik.

Ipinost din ng suspek ang malalaswang video ng mga biktima.

Dahil dito, sinalakay ng PNP ACG ang bahay ng suspek. Ma­ging ang mga gamit ba pang ­examine, dental implants at desktop ay kinuha rin ng mga awtoridad.

Nahaharap ang suspek sa paglabag sa Republic Act 7610, o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Law.

Show comments