^

Metro

Bantag, ‘present’ sa Percy Lapid killing probe

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Bantag, âpresentâ sa Percy Lapid killing probe
Si suspended BuCor director general Gerald Bantag makaraang lumutang sa ikalawang preliminary investigation sa Lapid kil­ling sa DOJ.

Hurisdiksyon ng DOJ sa kaso, kinuwestiyon

MANILA, Philippines — Personal na dumalo sa isinagawang ikalawang preliminary investigation hea­ring si suspended Bureau of Corrections (BuCor) Director Ge­rald Bantag sa kaniyang mga kasong murder sa Department of Justice (DOJ) kahapon ng umaga.

Kasabay naman nito, nagsumite rin ang kampo ni Bantag ng motion for inhibition laban sa panel DOJ kaugnay sa kasong pagkapaslang sa brodkaster na si Percy Lapid.

Ayon sa abogado ni Bantag na si Atty. Rocky Balisong, na ang naturang kaso ay dapat na sa ilalim ng hurisdiksyon ng Ombudsman.
Si Bantag ay nahaharap sa dalawang kasong murder sa kaso ni Lapid at sa Bilibid inmate na si Jun Villamor.

Sinabi ni Bantag na nakapagbigay na siya ng counter-affidavit sa Baguio City Pro­secutors Office pero pinili pa rin na dumalo sa DOJ preliminary investigation para magsumite ng dagdag na mga impormasyon.

Ngunit nang tanungin kung ano ang idinagdag niya sa kaniyang counter-affidavit, ­sinagot ito ni Bantag na hindi niya maa­lala dahil umano sa rami.
Iginiit din niya na hindi siya nagtatago. 

Hindi lamang umano siya nakadalo sa unang preliminary investigation dahil sa maling middlename na inilagay ng DOJ sa subpoena.

Kasama ni Bantag na kinasuhan si BuCor Senior Superintendent Ricardo Zulueta na hindi na makita sa ngayon.
Si Bantag ang itinuturong mastermind sa pagpatay kay Lapid nang magalit umano sa expose ng  huli sa kaniyang programa na naglantad sa kaniyang mga ari-arian at iba pang kayamanan sa Laguna. 

Itinanggi naman ni Bantag na sa kaniya ang nakunan ng video ng mamamahayag.

Related video:

PERCY LAPID

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with