Koreano tumalon mula 4th floor ng condo, lasog

MANILA, Philippines — Patay ang isang19-anyos na Koreano makaraang tumalon mula  sa ikaapat na palapag ng tinutuluyan niyang condominium sa Ermita, Maynila nitong Martes ng umaga.

Inisyal na nakilala ang biktima na si Jeong Ji Taek, nanunuluyan sa Unit 501 ng condominium building sa Roxas Boulevard, Ermita.

Base sa ulat ng Manila Police District - Homicide Section, bandang alas-11:05 ng tanghali nang makita ng mga saksi ang pagtalon ng dayuhan mula sa ikaapat na palapag ng nasabing gusali.

Agad na sinaklolohan ng mga opisyal ng condo ang biktima ngunit wala na siyang buhay nang abutan dahil sa tinamong malulubhang pinsala sa katawan.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa dahilan nang  pagpapatiwakal habang sinisiguro na walang naganap na ‘foul play’ ukol dito.

Ipinarating na rin sa Consul General ng Korea dito sa bansa ang insidente upang maabisuhan ang kaniyang mga kaanak sa South Korea.

Show comments