Unity Ride sa Malabon, inilunsad
MANILA, Philippines — Nasa 500 riders ang sumama sa isinagawang ‘Unity Ride for Team Pamilyang Malabonian’ (TPM) bilang pagsuporta kay Malabon City Councilor Jose Lorenzo ‘Enzo’ Oreta na kandidato bilang alkalde ng lungsod sa darating na 2022 elections.
Kabilang sa mga nag-organisa ng unity ride noong Martes ay ang mga Rider Groups na Kalye Sais Riders Club, Pwersa Riders Club, Dac Riders, 247 Riders ARPG, Lote Riders, Malabon 155 Club, ACP, Sr. Amigo Community Riders Group, EVO Riders Club Philippines.
Ayon kay Raymond Gabriel mula sa Kalye Sais Riders Club, nakikiisa sila sa pagsuporta kay ‘Kaasenso Enzo Oreta’, para sa kanyang pagtakbo bilang bagong mayor ng Malabon.
Lubos naman ang pasasalamat ni Konsehal Enzo Oreta sa pagtitiwala ng mga rider groups sa kanya. Aniya, nakakataba ng puso sa kanya at sa TPM ang mga ginagawang suporta ng iba’t ibang grupo.
- Latest






















