Class simulation, sinimulan ng Quezon City para sa face-to-face learning

MANILA, Philippines — Nagsagawa ang Quezon City government ng class simulation sa Payatas B Annex Elementary School na nilahukan ng may 268 na kabataang mag-aaral mula kindergarten hanggang grade 6.
Ito ay bilang paghahanda ng lokal na pamahalaan sa mga paaralan sa lungsod sa oras na payagan at masimulan na ang face-to-face classes.
Kabilang sa mga naging preparasyon ang paglalagay ng marka sa mga pasilyo ng paaralan, socially distanced desks, pagsusuot ng mask, handwashing, pagkakaroon ng disinfection stations, temperature checking devices at vaccinated school personnel.
Tiniyak din ng lokal na pamahalaan na may tamang bentilasyon sa mga silid-aralan bilang proteksyon din sa kalusugan ng mga mag-aaral.
Una nang pumayag ang Malakanyang sa limited face-to-face classes sa mga mag-aaral sa bansa.
- Latest
















