^

Metro

‘Tulak’ todas sa shootout sa Malabon

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
�Tulak� todas sa shootout sa Malabon
Dead-on- arrival sa pagamutan ang suspek na si Erwin Arcega, 39, ng Dr. Lascano St. Brgy. Tugatog dahil sa mga tinamong tama ng bala sa katawan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang hinihina­lang ‘tulak’ matapos makipagbarilan sa mga pulis na nagsagawa ng buy-bust ­operation, kamakalawa ng  gabi sa Malabon City.

Dead-on- arrival sa  pagamutan ang  suspek na si Erwin Arcega, 39, ng  Dr. Lascano St. Brgy. Tugatog dahil sa mga tinamong tama ng bala sa katawan.

Ayon kay Malabon police chief Col. Joel Villanueva , dakong alas-10:40 ng gabi nang magsagawa ng buy- bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kontra sa suspek sa P. Concepcion, Brgy. Tugatog.

Nabatid sa imbestigasyon na habang nagaganap ang transaksyon sa pagitan ng suspek at ng isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer ay napansin ni Arcega na parak ang kanyang katransaksyon.

Agad naglabas ng baril ang suspek at pinutukan ang poseur-buyer na naging dahilan upang mapilitan namang gumanti ng putok ang back-up na operatiba hanggang sa tamaan si Arcega sa katawan kaya’t isinugod ito ng mga pulis sa naturang pagamutan.

Narekober ng rumes­pondeng mga tauhan ng SOCO sa crime scene ang isang cal. 38 revolver na kargado ng dalawang basyo ng bala at tatlong bala, dalawang basyo ng bala ng cal. 9mm, isang plastic sachet ng hinihinalang shabu at wallet na naglalaman ng assorted ID’s, P650 cash.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with