Body cameras naipamahagi na ng PNP sa police stations

MANILA, Philippines — Mas magiging epektibo na ang pagpapatrolya laban sa mga krimen ng  mga pulis, matapos na maipamahagi ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang mga bagong biling body cameras sa mga istasyon ng pulis sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay PNP Directorate for Logistics Director Police Major General Angelito Casimiro, bahagi ito ng 2,696 na mga body camera na binili ng PNP sa halagang P289 milyon.

Una nang sinabi ni Casimiro, na ang bawat himpilan ng pulisya sa buong bansa ay tatanggap ng tig-16 na body camera.

Aniya, walo sa mga ito ay gagamitin ng mga nagpapatrolya, at walo ay nakareserba para sa ibang operasyon.

Pero sinabi ni Casimiro, na pinaplantsa pa ng PNP ang protocols sa paggamit ng mga body camera, para masiguro na walang malalabag na karapatan.

Paliwanag ng heneral, mayroon kasing mga privacy issue sa paggamit ng video ng body camera bilang ebidensya sa korte.

Show comments