^

Metro

11 kinasuhan ng NBI sa Dacera case

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
11 kinasuhan ng NBI sa Dacera case
Bitbit ng mga tauhan ng NBI ang mga dokumento sa paghaharap nila ng kaso laban sa mga indibi-duwal sa Christine Dacera case sa pagtungo nila kahapon sa DOJ.
Kuha ni KJ Rosales

MANILA, Philippines — Labing-isa katao ang sinampahan ng kaso ng National Bureau of Investigation (NBI) ka-ugnay sa kaso ng nasawing flight attendant na si Christine Dacera.

Kabilang sa mga iniharap na kaso ang obstruction of justice, perjury at reckless imprudence resulting to homicide. Kabilang sa mga nahaharap sa kasong obstruction of justice sina Mark Rosales, Rommel Galido, John Dela Serna, Gregorio De Guzman, Jezreel Rapinan, Alain Chen, Reymay Englis, at Darwin Macalla, na mga nakasama ni Dacera sa New Year’s Party sa City Garden Grand Hotel sa Makati City.

Inirekomenda ang pagsasampa ng kasong reckless imprudence resulting in homicide laban kina Dela Serna, Rapinan, Chen, at Louie De Lima.

Maging ang abogado ng mga akusado na si Atty. Neptali Maroto ay inirekomenda rin ng NBI na sampahan ng kasong obstruction of justice habang dagdag na kasong perjury ang inirekomenda pa kina Galido, Dela Serna at Macalla.

Sa resulta pa ng imbestigasyon ng NBI, nakitaan sina Rosales at Galido na nagtangka umanong magdeliber o mamigay ng iligal na droga sa naturang party kaya inirekomenda na sampahan din sila ng kaso kaugnay nito.

Nadamay rin sa mga pinakakasuhan ang Medico Legal Officer ng Southern Police District na si Police Maj. Michael Sarmiento na pinasasampahan ng kasong “falsification of public documents”. Si Sarmiento ang itinuturong nag-utos na iembalsamo ang labi ni Dacera nang walang pahintulot sa pamilya ng dalaga.

Natagpuang walang malay ang 23-anyos na si Dacera sa bathtub ng nabanggit na hotel noong Enero 1 matapos ang magdamag na pag-party. Isinugod siya sa Makati City Medical Center kung saan idineklarang wala nang buhay. 

Sa medico legal report na inilabas ng PNP, sinabi na natural cause ang dahilan ng pagkamatay ng dalaga o “ruptured aortic aneurysm” dahil sa mataas na blood pressure.

vuukle comment

CHRISTINE DACERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with