_ngayon
^

Metro

Bading at bespren pinatay sa sea wall ng Baseco

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Bading at bespren pinatay sa sea wall ng Baseco
Kinilala ni P/Captain Henry Navarro, hepe ng Manila Police District-Homicide Section ang mga biktimang sina Leif Erickson Parama, 29 anyos, miyembro ng LGBT at residente ng Block 2, Baseco; at isang Jennifer Legazpi, na dayo lamang sa lugar.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Kapwa patay ang magkaibigang bading at babae nang pagbabarilin ng ‘di kilalang salarin habang nagpapahinga sa may dalampasigan ng Baseco, sa Port Area, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Captain Henry Navarro, hepe ng Manila Police District-Homicide Section ang mga biktimang sina Leif Erickson Parama, 29 anyos, miyembro ng LGBT at residente ng Block 2, Baseco; at isang Jennifer Legazpi, na dayo lamang sa lugar.

Sa ulat ni P/Master Sgt. Dennis Suba, dakong alas 3:30 ng hapon nang maganap ang pamamaril sa sea wall ng Block 8, sakop ng Barangay 649, Zone 68, Baseco.

Alas-3:40 ng hapon nang itawag sa CCTV operator ng Brgy. 649 na si Mariel Ramirez ng isang barangay volunteer ang nasabing shooting incident na agad ipinaalam sa MPD-Station 13.

Nagtamo ng tama ng bala sa kanang braso, tiyan, kanang hita at da­lawa sa likod si Parama habang si Legazpi ay sa kanang tenga dahilan ng kanilang kagyat na kamatayan.

Sa pahayag ni Gerardo Parama, 55, ama ng biktimang bading, wala silang alam na kaaway ang anak at ang kaibigan nitong babae na pinatay rin ng mga salarin.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para sa pagkakilanlan ng mga salarin at motibo sa krimen.

CCTV
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with