^

Metro

1 patay sa sunog sa Maynila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang 42-anyos na maintenance personnel ng SVD Catholic Trade sa sunog na nagtagal lang ng 18 minuto sa compound na matatagpuan sa Oroquieta St., Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Arson investigator SFO3 Edilberto Cruz ng San Lazaro Fire Station, ang biktimang si Sonny Globio, binata, stay-in sa 1916 Oroquieta St., Sta. Cruz, Maynila.

Sa inisyal na ulat, dakong alas-2:48 ng madaling araw nang magsimula ang sunog.

Na-trap umano ang biktima sa kaniyang kuwarto na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Sinabi ni Cruz na hinihintay pa nila na ma-autopsy ang bangkay ng biktima upang makatulong sa imbestigasyon.

Patuloy pa ang pagkalap ng ebidensiya para madetermina kung ano ang naging sanhi ng sunog sa nasabing compound.

Mabilis naman na na­respondehan ang sunog kaya hindi na nadamay pa ang iba pang kabahayan sa compound na pag-aari ng nasabing Catholic Group.

vuukle comment

SAN LAZARO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with