^

Metro

Lalaking nanaksak ng aso, arestado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Lalaking nanaksak ng aso, arestado
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Section 2 ng Republic Act 10631 o Animal Welfare Act ang suspek na si Jan Lennon Salvador, 21, ng Estrada St., San Andres Bukid, ng naturang lungsod.
STAR/File

MANILA, Philippines — Arestado ang isang lalaki makaraang saksakin at mapatay ang aso ng sekretarya ng kanilang barangay,kahapon ng madaling araw.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Section 2 ng Republic Act 10631 o Animal Welfare Act ang suspek na si Jan Lennon Salvador, 21, ng Estrada St., San Andres Bukid, ng naturang lungsod.

Sa salaysay ni Mary Ann Garcia, 39, barangay secretary ng Brgy. 793 Sta. Ana, alas-7:30 kamakalawa ng gabi nang matuklasan niya na patay na ang kanyang aso na may saksak sa katawan.

Nang suriin ng kuha ng CCTV ng barangay, dito nila nadiskubre na ang sumaksak sa aso ay ang suspek na si Salvador. Agad na tinungo ng mga tauhan ng barangay ang bahay ng suspek kung saan nagkaroon pa ng pagtatalo sa pagitan ni Salvador at ni Garcia.

Sinabi ni Salvador na muntik na siyang kagatin ng aso kaya niya nasaksak ito. Sa kabila nito, itinuloy ng may-ari ng aso ang pagsasampa ng kaso dahilan para arestuhin si Salvador at isuko sa istasyon ng pulisya.

vuukle comment

HULI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with