^

Metro

Jeepney driver, patay sa ambush

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Jeepney driver, patay sa ambush
Ang biktimang si Neil Paglinawan na binaril ng isang rider kahapon sa Quezon City.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Isang jeepney driver ang patay nang tambangan at pagbabarilin ng motorcycle rider habang lulan ng isang van sa Brgy. Pinyahan, Quezon City kahapon ng hapon.

Nakilala ang biktima na si Neil Paglinawan, residente ng Matapat St., Brgy. Pinyahan.

Samantala, tinutukoy pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng salarin na mabilis na nakatakas matapos ang krimen, lulan ng isang ‘di naplakahang motorsiklo.

Nabatid na dakong alas-3:10 ng hapon nang maganap ang krimen sa EDSA northbound, malapit sa kanto ng East Avenue, sa Brgy. Pinyahan.

Sa salaysay ng testigong si Michael Cruz, lumilitaw na bago ang krimen ay kasama niya ang biktima at galing sila sa Kamuning Police Station at may dinalaw na preso.

Minamaneho na umano niya ang isang kulay gray na Honda van sakay ang biktima, at pauwi na sana nang bigla na lamang silang sabayan ng suspek at kaagad nitong pinagbabaril ang biktima na nasa passenger seat ng van.

Hindi naman binaril ng gunman si Cruz, kaya’t hinala ng mga awtoridad na si Paglinawan, na ayon sa isang source ay isa umanong ‘police asset’ talagang target ng salarin.

vuukle comment

AMBUSH

JEEPNEY DRIVER

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with