^

Metro

Mister, itinumba ng tandem

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang mister matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Brgy. Socorro, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/ Corporal Rodney Bay-os, imbestigador ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), ang biktimang si Camilo Cawilan Molina, 33, ng14th Avenue, Brgy. Socorro, Quezon City.

Nabatid sa ina ng biktima na dakong alas-12:30 ng madaling araw nang sunud-sunod na katok sa pintuan ng kanilang gate ang kanyang narinig.

Agad umano siyang tumayo sa higaan at pagsilip niya sa bintana ay nakita niya ang anak sa labas ng gate, subalit biglang sumulpot ang dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo at pinagbabaril ito.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa direksiyon ng P. Tuazon dala ang armas na ginamit sa pamamaslang.

Agad namang isinugod sa ospital  ang biktima subalit agad rin itong binawian ng buhay sanhi ng tinamong limang tama ng bala ng ‘di pa batid na kalibre ng baril sa katawan.

Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng masusing im-bestigasyon ang mga awtoridad para mabatid ang motibo ng krimen, makilala at madakip ang dalawang salarin.

vuukle comment

TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with