Patuloy na kinikilala pa ng pulisya ang biktima na tinatayang nasa pagitan ng edad 35 hanggang 40-anyos at may taas na 5’1” hanggang 5’3”. Mahaba ang buhok ng nasawi na nakasuot ng pulang blusa, itim na maong na pantalon at may dalang gray na shoulder bag.
The STAR/ File
Bebot binoga, itinapon sa kalye
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - December 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Natagpuan ang bangkay ng isang hindi pa nakikilalang babae na may tama ng mga bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa isang kalsada sa Taguig City, kahapon ng madaling araw.

Patuloy na kinikilala pa ng pulisya ang biktima na tinatayang nasa pagitan ng edad 35 hanggang 40-anyos   at may taas na 5’1” hanggang 5’3”.  Mahaba ang buhok ng nasawi na nakasuot ng pulang blusa, itim na maong na pantalon at may dalang gray na shoulder bag.

Sa inisyal na ulat ng Taguig City Police, alas-6 ng madaling araw nang makatanggap sila ng tawag sa isang concerned citizen ukol sa natagpuang bangkay sa bahagi ng C-6 Road sa Brgy. Sta. Ana, ng naturang lungsod.

Agad na rumesponde ang mga pulis at kinordonan ang lugar kung saan natagpuan ang bangkay.

Maaari rin umanong pinaslang sa ibang lugar ang biktima at itinapon lang sa naturang kalsada para iligaw ang imbestigasyon ng pulisya.

BEBOT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with