Kinilala ang dayuhang si Song Yongxing , tubong Guangdong, China at nanunuluyan sa isang condominium sa Taft Avenue, Malate.
File
Chinese bumulusok mula 18th floor, lasog
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang isang 21-anyos na Chinese national nang bumulusok mula sa ika-18 palapag ng ng tinutuluyang condominium sa Malate,Maynila, iniulat kahapon.

Kinilala ang dayuhang si Song Yongxing , tubong Guangdong, China at nanunuluyan sa isang condominium sa Taft Avenue, Malate.

Sa ulat ni P/Master Sergeant Joseph Kabigting ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas- 3:15 ng hapon nang maganap ang insidente sa nasabing condominium.

Nabatid na nagmula sa terrace na nasa ika-18 palapag nahulog ang biktima hanggang sa ground floor.

Patuloy pa ang imbestigasyon para matukoy kung nagpatiwakal o may foul play sa insidente.

Nakikipag-ugnayan na ang MPD sa Chinese Embassy para sa disposisyon sa labi ng banyaga. 

DEADS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with