^

Metro

Technician nabagsakan ng elevator, kritikal

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Technician nabagsakan ng elevator, kritikal
Nakilala ang biktima na si Renato Apostol, 62, ng Paraiso Street. Brgy. 97. Tondo, Maynila.
File

MANILA,Philippines — Kritikal ang isang  technician makaraang mabagsakan at mahagip ng kinukumpuni niyang elevator sa loob ng isang pabrika ng tela, kama­kalawa ng hapon sa Malabon City.

Nakilala ang biktima na si Renato Apostol, 62, ng   Paraiso Street. Brgy. 97. Tondo, Maynila. 

Sa ulat ng Malabon City Police, naganap ang insidente dakong alas- 4:40 ng hapon sa loob ng Whizmo Garments Corporation sa may Victoneta Ave, Brgy. Potrero, ng naturang lungsod.

Sa imbestigasyon, kinukumpuni ng biktima at ng mga kasama nito ang elevator ng naturang pabrika nang biglang may magbara. Tinawag ng may-ari ng pabrika ang biktima upang tukuyin kung saan nagmumula ang problema.

Bumaba ang biktima at sinilip ang ilalim ng elevator at saka kinalog. Dito biglang bumagsak ang elevator at tinamaan ang biktima sa ulo at balakang.

Agad na isinugod si Apostol sa MCU Hospital kung saan nilapatan siya ng paunang-lunas at inoobserbahan ngayon ng mga manggagamot.

vuukle comment

ELEVATOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with