Indian national huli sa rape

Lordeth B. Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - June 6, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang Indian national ang nadakip matapos umanong halayin ang isang 20-anyos na college student na nakilala nito sa online dating site habang ang kasama nito ay ikinandado ng suspek sa loob  ng banyo ng bahay nito sa Valenzuela City.

Ang suspek na si Pra­veen­kuamar Karunaneeth, 24, 2nd year medical student at residente ng  Brgy. Marulas ay naaresto ng mga tauhan ng barangay).

Lumabas sa imbestigas-yon, nagkakilala ang suspek at ang biktimang itinago sa pangalang Vina sa online dating site noong May 31. Inimbita ng lalaki ang babae sa kanyang bahay na puma-yag naman sa kondisyon na kasama ang kanyang kaibigan na si Maricar Gilmo, 28, ng San Jose Del Monte, Bulacan.

Alas-12:00 kahapon  ng madaling araw nang duma-ting ang magkaibigan sa bahay ng suspek at makalipas ang maikling pag-uusap, inalok ng lalaki ang dalawa na uminom ng alak.

Gayunman nang maka-ubos ng isang baso ng beer, nahilo ang biktima kaya’t pinatulog ito ng suspek sa kanyang kuwarto habang si Gilmo ay pumasok sa banyo upang umihi subalit, kinandado siya ng lalaki sa loob.

Nang magawang maka­labas ni Gilmo, agad itong umakyat sa ikalawang palapag ng bahay para hanapin ang kaibigan at nasorpresa ito nang makitang ginagahasa ng suspek ang walang malay na biktima.

Nang komprontahin ni Gilmo ang suspek, pinagbantaan siya na papatayin kung tangkain nitong lumabas ng bahay.

Nagawang makatawag sa cellphone ni Gilmo at makahingi ng tulong sa kanyang ate na nagresulta sa pagkaaresto sa suspek na nahaharap ngayon sa kasong rape, slight illegal detention, dalawang bilang ng threat resisting arrest sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.

INDIAN NATIONAL RAPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with