Gang member itinumba
Hindi na umabot ng buhay sa University of Sto Tomas (UST) Hospital dahil sa tinamong tama ng bala sa leeg at kaliwang dibdib ang biktimang si Herbert Bartolome, alyas Ebet , ng Ma. Cristina St., Sampaloc, Maynila.
Gang member itinumba
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - December 29, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang 24-anyos miyembro ng ‘Bahala na Gang’ (BNG) nang barilin ng riding in tandem habang nakaistambay sa labas ng bahay, sa  Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng  buhay sa University of Sto Tomas (UST) Hospital dahil sa tinamong tama ng bala sa leeg at kaliwang dibdib ang biktimang si Herbert Bartolome, alyas  Ebet , ng Ma. Cristina St., Sampaloc, Maynila.

Sa ulat ni SPO2 Bernardo Cayabyab ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insi­dente dakong alas-6:10 ng gabi sa naturang lugar habang ang biktima ay nakikipagkuwentuhan sa mga kaibigang sina Jay Soriano at Raymond Darilag nang biglang lumutang ang riding in tandem na suspects.

Walang sabi-sabing pinaputukan  ng ilang ulit ang biktima bago humarurot  sa direksyon ng Loyola St., Sampaloc.

Nabatid na ang biktima ay nakulong noong  taong 2016 dahil sa iligal na droga. Patuloy pang inaalam ang motibo at nasa likod ng krimen.

CRIME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with