Sa update ng report ng (DOTr), sinasabing nasa 57 percent nang kumpleto ang proyekto.
LRT-2 extension project, malapit nang matapos
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - October 31, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Iniulat ng pamunuan ng  Department of Transportation (DOTr) na malapit ng matapos ang ang konstruksyon ng Light Rail Transit (LRT-2) East Extension project.

Sa update ng report ng (DOTr), sinasabing nasa 57 percent nang kumpleto ang proyekto.

Ayon sa DOTr, aabot sa 80,000 pasahero kada araw ang magbebenepisyo sa sandaling matapos na ang dalawang dagdag na istas­yon ng LRT-2 na Emerald at Masinag station.

Ang orihinal na ruta ng LRT-2 ay mula sa Recto Ave­nue sa Manila hanggang sa Santolan, Pasig City at ma­lapit ng matapos ang dalawa pang istasyon na ginagawa.

Sa mga pasaherong ga-ling sa LRT-2 at gustong lumipat sa LRT-1 ay hindi na kailangan pang bumaba sa kalsada ng Recto Avenue dahil magkarugtong ito sa Doroteo station. 

Ayon sa DOTr, kapag natapos na ang dalawang pang istas­yon, ang dating tatlong oras na biyahe Recto Avenue sa Maynila na pauwi ng Masinag sa Cainta Rizal ay magi-ging 40 minuto na lamang sakay ng tren ng LRT-2.

LRT-2 EAST EXTENSION PROJECT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with