^

Metro

Kuya inutas ang utol

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Kuya inutas ang utol
Ang suspek ay kinilalang si Jonathan Albaran, 25, na agad namang naaresto ng mga awtoridad matapos na mapatay sa saksak ang kanyang nakababatang kapatid na si John Paul Albaran, 23, construction worker, at kapwa residente ng Pinya Street, Block 40, Welfare Ville Compound, Brgy. Addition Hills.

MANILA, Philippines — Patay ang isang 23-anyos na binata matapos pagsasaksakin ng kanyang kuya sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City, kamakalawa.

Ang suspek ay kinilalang si Jonathan Albaran, 25, na agad namang naaresto ng mga awtoridad matapos na mapatay sa saksak ang kanyang nakababatang kapatid na si John Paul Albaran, 23, construction worker, at kapwa residente ng Pinya Street, Block 40, Welfare Ville Compound, Brgy. Addition Hills.

Batay sa naantalang ulat ng Mandaluyong City Police, na pinamumunuan ni P/Senior Supt. Moises Villa­ceran Jr., nabatid na dakong alas-8:00 ng umaga nang maganap ang krimen sa bahay ng magkapatid.

Nauna rito, dakong alas-2:00 ng madaling araw ay magkasamang umuwi ang magkapatid sa kanilang tahanan, na kapwa lasing matapos na makipag-inuman sa kanilang mga kaibigan. Sa halip namang matulog na ay ipinagpatuloy pa ng mga ito  hanggang alas-6:00 ng umaga.

Dito na nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang magkapatid na nauwi sa suntukan, hanggang sa makadampot ng kutsilyo ang suspek at tinarakan sa dibdib ang biktima.

Isinugod pa sa Mandaluyong City Medical Center ang biktima ngunit nasawi rin habang naaresto naman ng mga tauhan ng Mandaluyong City Police at mga barangay tanod  ang suspek.

vuukle comment

STABBED TO DEATH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with