Nigerian, itinumba ng tandem
Lordeth B. Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - April 24, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Utas ang isang Nigerian national  na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos itong pagbabarilin ng riding in tandem, kahapon ng umaga sa Las Pinas City.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan ang biktimang si Didicus U. Ohaeri, ng Bacoor, Cavite.

Samantala, blanko pa ang pulisya sa pagkakakilan­lan ng mga suspect at nagsasagawa pa ng follow-up hinggil sa insidente.

Lumalabas sa report na na­tanggap ng hepe ng Las Pinas City na si Police Senior Supt. Marion Balonglong, naganap ang insidente alas-11:40 kahapon ng umaga sa Alabang-Zapote Road, Brgy. Pamplona 3 ng naturang siyudad.

Nabatid na sakay ang biktima  ng kanyang  Toyota Camry na may plakang NAQ-919 at binabagtas nito ang naturang lugar nang  biglang sumulpot ang isang motorsiklong walang plaka lulan ang mga suspect.

Walang salitang pinagba-   baril ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamata-yan habang ang mga suspect naman ay mabilis na tumakas.

Ayon sa pulisya, posibleng droga ang motibo nang pagpatay sa naturang dayuhan dahil base sa rekord ay may kaso itong  paglabag sa Sec 5 and Sec 11 ng  RA 9165.

Sa ngayon ay patuloy pang iniimbestigahan ang naturang pamamaril.   

ILEGAL NA DROGA RIDING IN TANDEM
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with