Hindi na nagawa pang makabili ng isang tatay ng kanyang  hamburger sa isang food chain makaraang sorpresang barilin habang umoorder ng hindi nakikilalang salarin  sa Quezon City kahapon ng madaling araw. File

 

Tatay niratrat sa hamburger store, todas
Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - June 25, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines - Hindi na nagawa pang makabili ng isang tatay ng kanyang  hamburger sa isang food chain makaraang sorpresang barilin habang umoorder ng hindi nakikilalang salarin  sa Quezon City kahapon ng madaling araw.

Ayon kay PO2 Julius Raz, may-hawak ng kaso, ang biktima ay nakilalang si Danilo Melchor, 54, ng no.1 Narra St., Sitio Talanay Area A, Brgy. Batasan Hills, sa lungsod.

Blangko naman ang pulisya sa pagkakakilanlan ng salarin dahil wala umanong nais na magsalita kaugnay dito.

Nangyari ang insidente sa may loob ng  Angel’s Sitio Talanay Area A hambuger na matatagpuan sa  no. 67 Kagawad Gitna Road,  Sitio Talanay Area B, dakong alas 12:30 ng madaling araw.

Sabi ng isang service crew na si Lina Gracia, busy siya sa paghahanda ng kanyang mga paninda nang dumating ang biktima at nagtanong ng presyo ng hamburger.

Sa ilang sandali, bigla na lang umalingawngaw ang mga putok ng baril dahilan para siya mapayuko sa sahig. Ilang minuto ang lumipas, nang kanyang tingnan ang labas ay saka nakita ang duguan at walang buhay na katawan ng biktima habang nakahandusay sa lugar.

Tiyempong may dumating na mga barangay tanod at agad na ipinabatid ng saksi ang insidente at tumawag ng otoridad para sa pagsisiyasat.

Base sa imbestigasyon ng otoridad sa crime scene narekober ang walong basyo ng bala ng kalibre. 45 baril, apat na tingga at isang basyo ng bala.

Patuloy ang pagsisiyasat sa nasabing insidente.

 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with