Barangay kagawad, dedo sa ambush
Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - June 21, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines - Patay ang isang barangay kagawad makaraang tamba­ngan ng hindi nakikilalang sa­larin habang sakay ng isang tricycle sa Novaliches Quezon City, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Sa ulat ni PO3 Anthony Tejerero, nakilala ang biktima na si Edwin Drueco, 42, ng Robina Rd., Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches, sa lungsod.

Nangyari ang insidente sa harap ng Carpel Corp. warehouse na matatagpuan sa Ge­neral Luis St., ng naturang barangay dakong alas-11:30 ng umaga.

Bago ito, sakay umano ang biktima ng isang tricycle na minamaneho ng isang Robert Marcelino kung saan nakaupo ang una sa likurang bahagi ng huli. Habang tinatahak ang ka­­habaan ng General Luis ay nakarinig na lang umano si Marcelino ng malakas na tunog da­hilan para siya huminto.

Nang tignan ni Marcelino ang kanyang likuran ay saka nakita ang biktima na duguang nakadapa na sa semento.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with