Pedestrian dedo sa bundol ng parak
Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - May 3, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Patay ang isang pedestrian matapos itong mabangga ng motorsiklong minamaneho ng isang pulis kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Nakilala ang nasawi na si Roberto Lavantes na namatay noon din sanhi ng tinamong matinding pinsala sa ulo at katawan makaraang mabundol ng motorsiklong Honda CBR 200 na minamaneho ni PO1 Russel Morana, residente ng Caloocan City.

Naganap ang aksidente dakong alas-6:50 ng gabi sa Brgy. Pasong Putik habang tumatawid sa may Don Mariano Marcos Ave­nue si Lavantes nang mabundol ng pulis na nagbuhat sa Min­da­nao Avenue patungong Quirino Highway.

Dahil sa malakas na impact ay namatay noon din ang biktima habang nagtamo rin naman ng sugat ang pulis na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

RUSSEL MORANA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with