_ngayon
^

Metro

LTFRB, iskul binulabog ng ‘bomba’

Ricky Tulipat at Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nabulabog ang transaksyon ng mga kawani at kliyente ng Land Transportation Fran­chi­sing and Regulatory Board ( LTFRB) sa Quezon City, makaraang makatanggap ng bomb threat, kahapon ng umaga.

Sa inisyal na ulat ni SPO2 Arman Florent ng Quezon City Police District Station-10, dakong alas-11 ng umaga nang ma­katanggap ng tawag sa te­le­­pono ang isang Danica Clin­tock, administrative aide V1 ng LTFRB hingil sa nasabing pagsabog.

Sinabi umano ng caller na “Ma’am umalis na po kayo diyan, may bomba sa CR sasabog in 20 minutes”, saka iniwan na lang basta ang telepono na naka-hang.

Agad namang ipinagbigay alam ni Clintock ang mensahe sa mga awtoridad at mabilis na pinalabas ng tanggapan ang mga empleyado at mga kli­yente ng LTFRB.

Ayon kay SPO2 Florent­, mabilis namang nag-responde ang mga operatiba ng Explosives Ordnance Division (EOD) ng QCPD sa LTFRB at nagsa­­gawa­ ng pagsisiyasat sa buong tang­gapan, subalit makalipas ang alas-11:42 ng umaga ay lumabas na negatibo sa bomba.

Agad din pinabalik sa ka­nilang trabaho ang mga emple­yado at itinuloy ang transak­syon sa mga kliyente nito.

Ayon sa report na natanggap ng Makati City Police, alas-3:05 ng hapon nang ma­tang­gap ang tawag mula sa hindi nagpakilalang caller ng telephone operator na si Nicka Mae M. Engbin na may bomba sa sa­ngay ng Lyceum, College of Law sa LP Leviste St., Salcedo Village, Brgy. Bel-Air ng natu­rang siyudad.

“Ang tigas ng ulo ng mga Laurel. May tauhan kami na nagtratrabaho sa Lyceum, humanda kayo diyan sa Lyceum Manila, Makati, Cavite. Kung ayaw ninyo madamay umalis na kayo diyan”, ito ang mga ka­tagang narinig ng tatlong ka­wani ng naturang unibersidad sa loob ng 20 segundo.

Dahil sa insidente, nabulabog ang ilang mga kawani at estudyante ng naturang pa­aralan at kaagad itong ipinagbigay alam sa tanggapan ng Makati City Police.

Mabilis na rumisponde ang  EOD at K-9 team ng Makati City Police sa naturang unibersidad  para magsagawa ng inspection kung saan sandaling  pinalabas muna ang mga kawani at mga estudyante. 

Matapos i-inspection ang buong gusali ng paaralan, ne­gatibo naman ito sa sinasabing bomba  at alas-4:26 ng hapon nang ideklara ng mga pulis na ligtas naman ang lugar.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with